TINGNAN: Mga bagong mukha ng 'Meteor Garden'

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2017 10:51 PM | Updated as of Nov 11 2017 12:07 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv
 

A post shared by @barbie.hsu on

Para sa "Meteor Garden" fans, tapos na ang mahabang panahon ng paghihintay dahil magkakaroon na ng remake ang hit Taiwanese series. 

Ipinakilala na sina Connor Leong, Dylan Wang, Darren Chen, at Caesar Wu na gaganap sa role ng F4.

Nag-post pa si Barbie Hsu, ang unang gumanap na Shan Cai, sa kaniyang Instagram ng mga retrato ng bagong cast ng Meteor Garden.

 

A post shared by @barbie.hsu on

Nanawagan din siya na suportahan ang bagong henerasyon ng pumatok na TV series.

Nakatakdang ipalabas ang remake ng Meteor Garden sa 2018.

Hango ang Meteor Garden sa Japanese manga na "Hana Yori Dango". 

Unang itong ipinalabas sa Pilipinas sa Kapamilya network noong 2003.

Nagkaroon din ng version sa Japan at South Korea ang Meteor Garden noong 2008 at 2009.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.