'Solo flight': Kisses, ayaw muna ng ka-love team

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2017 07:16 PM | Updated as of Nov 08 2017 07:38 PM

Ganap nang recording artist ang dating "Pinoy Big Brother: Lucky 7" Housemate na si Kisses Delavin matapos ang kaniyang grand album launch sa SM Skydome noong Lunes, Nobyembre 6.

Nakabenta na ng mahigit 15,000 units ang album.

Bitbit ang makukulay at naglalakihang banners at posters, dinumog ang okasyon ng mahigit 1,000 fans ni Kisses.

Special guests sa paglulunsad sina Rayver Cruz at Tony Labrusca.

Nagpakitang gilas din si Kisses ng galing sa pagsayaw.

 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

 

Kisses Delavin during the #NationalKissesDay

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

Todo suporta rin kay Kisses ang "MayWard" love team nina Maymay Entrata at Edward Barber, na kapuwa nakasama ni Kisses sa "Pinoy Big Brother."

Nilinaw naman ni Kisses ang isyung ipapareha siya kay Edward matapos mabuwag ng kanilang tambalan ni Marco Gallo.

Tinawag ni Kisses na "fake news" ang mga usap-usapan.

"May respeto ako sa partner ni Edward," ani Kisses. "May respeto po ako sa lahat ng kaibigan ko. Hindi po ako open na maki-partner sa partner ng kaibigan ko."

Dagdag pa ni Kisses, "solo flight" o mag-isa muna siya sa kaniyang mga proyekto.

Hiling din niya na huwag muna siyang bigyan ng katambal. -- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.