Aiko, nais na makatrabaho muli si Aga

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2017 02:23 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Inamin ni Aiko Melendez na ang pelikulang "May Minamahal" na pinalabas noong 1993 kasama si Aga Muhlach ang pinaka-espesyal sa kanya.

"Kasi diyan sa movie na 'May Minamahal' naging boyfriend ko si Aga. He's my first boyfriend," ani Aiko sa pagbisita nito sa "Magandang Buhay nitong Miyerkoles.

"Muhlach, gawa na tayo ng pelikula, alam na this," dagdag na hirit ng aktres sa dating nobyo na ngayon ay masaya sa kanyang buhay pamilya kasama ang mga anak at asawang si Charlene Gonzalez.

Pag-amin ni Aiko, labis ang pasasalamat niya sa pagkakataong makatrabaho si Aga.

"Sobrang thankful ako kasi Aga Muhlach is Aga Muhlach, di ba? When you get the chance to work with someone like Aga that means you are already made sa industy. Para maging leading lady niya, hindi lang sa pelikula kung hindi sa totoong buhay, at that time eh siyempre malaking tulong 'yon. Naging okay ako doon, 18 years old ako noon," ani Aiko na parte ng sikat na seryeng "Wildflower."

Pagbabalik-tanaw ni Aiko, matagal siyang niligawan ng aktor bago sila naging magkasintahan habang ginagawa ang pelikula.

"Matagal akong niligawan ni Aga," ani Aiko na ngayon ay nagdiriwang ng kanyang ika-30 taon sa showbiz.

Anim na taong gulang lang si Aiko nang pumasok sa showbiz. Pansamantala siyang nahinto sa pag-aartista dahil sa kanyang pag-aaral.

Noong siya ay 13 anyos, muli siyang bumalik sa showbiz bilang isa sa "Regal Babies" kasama sina Carmina Villarroel at Ruffa Gutierrez.

Naunang ginamit ng aktres ang screen name na Aiko Paredes pero pinalitan din ito ng Melendez nang muli siyang gawan ng pelikula ng Regal Films na "My Pretty Baby."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.