Zanjoe, nagsalita tungkol sa Instagram exchange nila ni Bela

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2017 10:43 PM | Updated as of Nov 08 2017 01:02 PM

Ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Zanjoe Marudo at Bela Padilla?

Kamakailan, kinilig ang mga netizen sa naging palitan ng sagot nina Marudo at Padilla sa isang shirtless photo na ibinahagi ni Marudo sa Instagram.

Sa press conference ng bagong pelikula ni Marudo na "Fallback," hindi nakaiwas ang aktor na tanungin tungkol kay Padilla.

"Hirit lang iyon," ani Marudo ukol sa Instagram comments.

"Eh 'di siya (Bela) tanungin niyo kung may laman iyon (comments) o wala," dagdag ng aktor.

Samantala, inamin naman nina Marudo at ng katambal nito sa "Fallback" na si Rhian Ramos na sila mismo'y nakaranas nang magkaroon ng "fallback" o iyong reserbeng karelasyon sakaling hindi maayos ang kasalukuyang relasyon.

Tiniyak nina Marudo at Ramos na makaka-relate ang mga manonood sa "Fallback" na ipalalabas sa mga sinehan sa Nobyembre 15.

-- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.