Jolina, inalala ang pagsampal sa kanya ni Maricel Soriano

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2017 05:12 PM | Updated as of Nov 07 2017 01:13 PM

MANILA -- Hindi makakalimutan ni Jolina Magdangal nang minsan siyang sinampal ni Maricel Soriano para sa isang pelikula.

"Totoo palang masakit siyang manampal. Pero okay na okay lang. Talagang ninamnam ko 'yung sampal niya sa akin," ani Jolina sa "Magandang Buhay" nitong Lunes.

Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan at ika-30 anibersaryo sa showbiz, muling nagpasalamat si Jolina sa pagkakataong makasama noon si Maricel sa pelikulang "Kung Ayaw Mo, Huwag Mo."

Pag-amin ni Jolina, idolo niya si Maricel pagdating sa drama at komedya. 

"Noong una talaga hindi ko akalain na ganoon siya ka-approchable," ani Jolina. "Talagang dream come true na makasama ko si Ate Maria."

"Siya talaga ang idol ko. Ang galing niyang mag-drama, ang galing niyang magpatawa. Talagang thankful ako na once nangyari sa buhay ko na nakasama ko siya," dagdag ng aktres.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.