Angelica Panganiban, nagpa-tattoo?

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2017 06:10 PM

MANILA -- Matapos humugot sa kanyang kaarawan, usap-usapan naman ngayon kung nagpalagay nga ba ng tatu ang aktres na si Angelica Panganiban.

Sa kanyang Instagram, naglabas si Angelica ng video kung saan ipinapakita ang ginagawang pagta-tatu sa pulso. Ngunit hindi tiyak kung siya ang nagpa-tato.

Sa caption, naka-tag si Boots Brandon ng Redeemed Tattoo ng Cebu.

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Sa isa pang video na inilabas ng aktres, kita naman ang ginagawang pagmamarka sa binti. Sa caption, isinulat ni Angelica ang petsa ng kanyang kapanganakan na "11.4.86." 

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Nito lamang Sabado ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang aktres kung saan nagpasalamat siya sa mga taong nagpakita sa kanya ng pagmamahal at nangakong patuloy na mamahalin ang sarili.