LizQuen, suportado ang isa't isa; Bea Alonzo, may bagong katambal

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2017 11:12 PM

Inamin ng aktres na si Bea Alonzo na sabik itong makatrabaho bilang bagong katambal si Aga Muhlach sa kaniyang unang independent film.

Si Paul Soriano ang magsisilbing direktor ng pelikula na ilalabas sa ilalim ng Star Cinema.

Ibinahagi ni Bea na sa Canada kukuhanan ang ibang eksena ng pelikula.

Kasama ni Bea na nag-iikot sa Amerika sina Enrique Gil, Liza Soberano at iba pang artista para sa "One Magical Night Tour."

Kahit nagtatanghal, itinuturing nina Enrique at Liza ang biyahe sa Amerika bilang maikling pahinga bago sumabak sa mga malalaking proyekto pagbalik sa Pilipinas.

Ayon kay Liza, na napiling gumanap na bagong Darna, gusto niyang maging halimbawa ang Filipina superhero para sa mga kabataan.

"To have a voice, to be powerful ... Darna has that responsibility to be able to teach the younger generation that," ani Liza.

Ibinahagi naman ni Enrique na mas lalo siyang naging "inspired" sa paggawa ng mga makabuluhang pelikula matapos ang tagumpay ng kaniyang pelikula na "Seven Sundays".

Inamin nina Liza at Enrique na suportado nila ang isa't isa sa mga indibidwal na proyekto.

-- Ulat ni Yong Chavez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.