Star Patroller Kim Chiu, nag-trend sa Twitter

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2017 09:21 PM | Updated as of Nov 01 2017 01:12 AM

Sa unang pagkakataon, sumabak ang aktres na si Kim Chiu sa paghahatid ng balitang showbiz sa programang "TV Patrol" nitong Martes, Oktubre 31.

Humalili ang 27-anyos na aktres kay Gretchen Fullido, na regular na Star Patroller.

Michael Bagtas, ABS-CBN News

Michael Bagtas, ABS-CBN News

Michael Bagtas, ABS-CBN News

Michael Bagtas, ABS-CBN News

Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Nag-trend din ang hashtag na #KimChiuOnStarPatrol sa social media site na Twitter.

Hinatid ni Kim ang mga balita tungkol sa pag-cosplay sa Japan at kaarawan ni Coco Martin.

Ibinahagi rin ng binansagang "Chinita Princess" sa kaniyang Instagram Stories ang mga paghahanda sa pag-Star Patrol.

Unang nakilala si Kim sa pagkapanalo nito sa unang edisyon ng "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.

Naging popular ang tambalan nila ng dating nobyong si Gerald Anderson, na tampok sa programang "Sana Maulit Muli" at mga pelikulang "I've Fallen for You" at "Paano Na Kaya?"

Bida si Kim sa pelikulang "Ghost Bride" na ipapalabas sa mga sinehan simula Nobyembre 1.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.