TINGNAN: John Lloyd, hinalikan si Ellen

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2017 02:34 PM

Lumutang sa social media ang bagong retrato ng nali-link na mga artistang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, na magkasamang nagbakasyon sa ibang bansa.

Sa Instagram post ni Doreen Ting, makikitang kausap ni Ting sa video call ang kaibigan niyang si Ellen, na hinahalikan naman sa pisngi ni John Lloyd.

Kuha mula sa Instagram ni Doreen Ting

"Keeping up with the bff!" sinulat ni Ting sa caption.

Kamakailan, nagbahagi si Ellen ng mga Instagram video kung saan tinuturuan niya sa John Lloyd na mag-ski sa Switzerland.

 

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

 

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Tinawag din ni Ellen si John Lloyd bilang kaniyang "blogger jowa" sa isang Instagram comment.

Matatandaang inanunsyo ni John Lloyd ang kaniyang pamamahinga sa showbiz para "ayusin ang ilang personal na bagay."

Hindi na itinago ng dalawa na, kasabay ng pagliban ni John Lloyd, magkasama silang naglakbay sa Morocco at Portugal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.