Iñigo Pascual, kinuhanan ng video habang nasa banyo?

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2017 02:39 PM

Inilabas ng aktor na si Iñigo Pascual sa Twitter ang kaniyang sama ng loob dahil nahuli umano niyang kinukuhanan siya ng video ng isang lalaki habang nasa comfort room.

"Nakakatawa at nakakapikon yung isang tumabi sakin sa urinal, KUYA NAKAON YUNG FLASH MO. Kunwari ka pa may kausap sa phone. Bastos!" ayon sa post ni Iñigo.

Sa isa pang tweet, sinabi ng aktor na sana'y respetuhin din ang kaniyang privacy sa loob ng banyo.

"Yung patago kang vivideong kunwari may kausap sa phone. Tas naka-on yung flash.. Galing! Habang nasa banyo pa. Privacy naman minsan," saad ng kasunod na tweet ni Iñigo.

Wala namang nabanggit kung personal na sinita ng aktor ang sinasabing kumukuha ng kaniyang video sa loob ng banyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.