Gloria Diaz, ayaw magpatawag ng lola

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2017 12:06 PM

MANILA -- "Gloria." Ito lang ang nais ng dating Miss Universe winner na si Gloria Diaz na itawag sa kanya nang paparating na apo sa anak niyang si Isabelle Daza.

Nitong Miyerkoles sa press conference para sa Cinema One Originals, ibinahagi ni Gloria na apat na buwan ng buntis ang anak.

Nang matanong kung okay lang na tawagin siyang Lola Gloria, sagot ng dating beauty queen: "Parang it's too long."

Ayon kay Gloria, mas nakatuon ngayon ang kanilang pansin sa pagbubuntis ni Isabelle.

"Everything is a new discovery for her but my daughter Ava is the most excited. Talagang siya, everyday she's thinking of new names. Hindi pa nga namin alam kung babae o lalaki," ani Diaz na ibinahagi ang hilig ngayon ng anak sa pagkain ng hilaw na mangga.

"The greener the better," ani Diaz.

Matatandaang nito lamang Setyembe ay inamin ni Isabelle na siya ay buntis, halos isang taon matapos ang kasal nila ng kanyang asawang si Adrien Semblat.