ALAMIN: Bakit umatras si Anne Curtis sa wedding venue ng Korean stars?

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 07:48 PM | Updated as of Oct 25 2017 08:52 PM

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Ikinuwento ng "It's Showtime" host na si Anne Curtis na maging mga kaibigan niya ay nagtataka sa pagiging fan girl niya sa Korean stars.

Kamakailan lamang, nakita niya si Gong Yoo na bida sa pelikulang "Train to Busan" at Korean drama na "Goblin".

Matataon din ang bisita ni Anne sa Korea sa Oktubre 31 sa kasal ng iniidolo niyang love team nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo. 

Pero nagdesisyon na rin siya na kanselahin ang booking niya sa hotel wedding venue ng kaniyang idolong Korean stars. 

Kuwento niya, espesyal na araw ito para sa kaniyang mga idolo at naisip niyang ayaw niya rin namang may miron sa kaniyang sariling kasal kaya nag-book na lang siya sa ibang hotel. 

Bago ang kasal nila ni Erwan Heussaff ngayong Kapaskuhan, sinusulit naman ni Anne ang panahon para tapusin ang kaniyang commitments kabilang na ang pagkanta sa mga gig, at ang kaniyang international movie na "Buy Bust" kasama si Brandon Vera.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.