Kris gets busy with Noynoy’s candidacy
by Julie Bonifacio, ABS-CBN.com | 10/25/2009 8:05 PM
Printer-friendly version |
Send to friend |
Share your views
MANILA - Bukod sa pagho-host ng “The Buzz” at “SNN: Showbiz News Ngayon,” left and right din ang meeting ni Kris Aquino at pag-aasikaso ng mga kailangan sa pagtakbo ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III bilang presidente ng bansa sa nalalapit na eleksyon.
Swerte namang nakapanayam ng ABS-CBN.com si Kris kung saan sinabi niya na naniniwala siyang taglay ng kanyang kapatid ang mga katangiang hinahanap ng mga botante ngayon.
”First is yung incorruptibility and honesty. According to a qualitative survey done nationwide, sobrang laki daw talaga nung naging impact (of the alleged reports involving President Arroyo’s expensive) meals in the States. The multi-million-pesos meal… it was too blatant daw,” sabi ni Kris.
Nagbigay din ng reaksyon si Kris tungkol sa latest SWS survey kung saan 60% sa 1,800 respondents ang nagsabing pabor sila kay Noynoy na maging presidente.
“May nagsasabing with Mom’s death, may naalala ka that there is a possibility na there is someone who can be good. And a quantity of that survey will vote him kasi hindi siya gagawa ng ikakahiya ng Nanay at Tatay niya. ‘Yon ang number one strength ni Noy.
“Pero apart from that, ano ang gusto ninyong gawin niya? Ang sabi pa nila, sobrang tumatak daw talaga sa mind nila is what mom was able to do. Pinaramdam niya sa amin na may dignidad kami. At ang pangalawa was, alam ko noong namatay siya marami siyang napag-aral na scholars,” paliwanag niya.
Malinaw kay Kris ang kakayahan ni Nonoy na maluklok sa mas mataas na posisyon. Pero mabilis din nilang inalam kung ano ba ang pinakaimportanteng serbisyo ang dapat nilang i-offer sa mga mamamayan ngayon.
“It’s surprising kasi it’s still education. Kasi kapag malaki ang family, there’s that feeling na isa o dalawa sa mga anak sana makapagtapos whether it’s TESDA or a four-year course. Kahit papano makakatulong maibangon ‘yong kabuhayan ng pamilya,” aniya.
Lalong mas naging bukas ang isipan ni Kris sa mga ganitong usapin dahil sa kanyang active participation sa iba’t ibang relief operations para sa biktima ng typhoons Ondoy at Pepeng.
“Parang narinig ko Noy was saying (habang kausap ang leader ng isang malaking church group sa Pilipinas) na, ‘Did you know that we have a P2 billion calamity fund? But in the calamity fund there is only P200 million available now. So ang question talaga is where’s the remaining P1.8 billion? Parang I think when you look at Noy or if you look at Mar (Roxas), ang strength lang nila talaga is accountability.”
“Feeling ko naman kapag nakilala talaga ng husto ng mga tao si Noy, alam mo’ng disente siya at masipag. Kasi ever since he became a public servant, every night maswerte na ang tatlo o apat na oras na tulog. And talagang he puts enormous amount of effort sa trabaho niya,” dagdag pa niya.
Sa bandang huli ay ipinadinig ni Kris sa amin ang komposisyong ginawa ni Ogie Alcasid na pinamagatang “Hindi Ka Nag-iisa” na siyang inawit naman ni Regine Velasquez. Binigay ni Alcasid ang kanta kay Kris para sa gagawing television advertisement ni Noynoy.
Comments