PANOORIN: 'Baby Shark' ni Richard Poon

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2017 01:57 PM

 

A post shared by Richard Poon (@richardpoonph) on

Hindi nagpahuli ang mang-aawit na si Richard Poon sa kaniyang bersiyon ng nauusong "Baby Shark".

Sa isang Instagram post, mapapanood si Richard na inaawit at umiindak sa saliw ng trending na pambatang kanta.

Upang maging angkop sa kaniyang uri ng musika, hinaluan ito ng singer ng klasikong jazz tune na "Beyond the Sea".

Unang lumabas ang "Baby Shark" sa South Korea noong 2015.

Kasalukuyan itong patok na patok sa Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.