‘It’s Showtime’ hosts, 5 araw nagpasikat sa ‘madlang pipol’

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2017 10:30 PM | Updated as of Oct 21 2017 12:18 AM

Binansagang ‘petmalu’ o malupet ang mga orihinal na konsepto ng 'It's Showtime' hosts sa kanilang pagpapasikat kasabay ng ika-8 anibersaryo ng noontime show.

Narito ang ilang highlights ng limang araw na pagpapasaya ng Showtime sa ‘madlang pipol’.

Lunes

Magical carousel ang tema ng team nila Billy Crawford, Amy Perez at James Reid. Highlight nito ang pagte-teleport ni James at ng buong cast. 

Martes 

Nagmistulang isang trilogy ang team ni Vice Ganda, Jugs at Teddy. Sinimulan sa mala-lounge na kantahan, sinundan ng wedding proposal at nagtapos sa tunay na kasalan.

Miyerkoles 

Tila isang music video ang napanood ng madlang pipol sa tugtugan nila Anne Curtis, Ryan Bang at Nadine Lustre.

Huwebes

Team 'alone' naman si Vhong Navarro na mag-isang nag-perform, pero tinulungan siya ng Hashtags at Girltrends. 

Biyernes
 
Ibang klaseng love story ng ipis at higad naman ang all-in-one mega performance ng team nila Jhong Hilario at Karylle kasama rin ang ibang Hashtags at Girltrends. 


Ang mga naging hurado ay sina Marc Logan, Direk Rory B. Quintos, Diamond Star Maricel Soriano, Ina Raymundo at Janno Gibbs

Sa Sabado na malalaman kung sino ang magwawagi sa limang grupo.


--Ulat ni Marc Logan, ABS CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.