Claudine Barretto defends self

By Dominic Rea, ABS-CBN.com

Posted at Oct 19 2009 11:57 AM | Updated as of Oct 19 2009 07:57 PM

MANILA - Noong isang linggo ay pumirma ng kontrata si Claudine Barretto sa bakuran ng Viva Films na siyang ikinagulat ng marami sa atin.

Dito nagsimulang maglabasan ang isyung kesyo hindi raw siya nagpaalam sa ABS-CBN, sa Star Cinema, at Star Magic that handled her showbiz career for so many years.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakausap mismo ng ABS-CBN.com si Barretto nang makita namin ito sa Eastwood Mall noong Biyernes at binigyang linaw ni Barretto ang mga paratang sa kanya to defend her side regarding the issue.

“Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang mga ganyang isyu. Nagulat na lang din ako when I heard it na kesyo ganoon at ganito." bungad ni Barretto.

Sa aming eksklusibong panayam, ipinaliwanag ng aktres na namiss na rin naman niya ang paggawa ng pelikula dahil tatlong taon na ang nakakaraan mula ng gawin niya ang Sukob under Star Cinema.

"Totoong I signed a contract with Viva Films. Actually, may tatlong pelikula na kaming pinagpipilian. And hopefully next week ay maaayos na lahat at malalaman ko na kung what movie ang uunahin naming gawin,” sabi ni Barretto.

“In fairness sa akin, what I did was kung ano lang naman ‘yong alam kong right and good for me. And alam kong wala akong tinatapakang tao. Nagpaalam ako sa manager ko na there's a good offer from Viva na okay naman and I have to sign-up na para makapag-start na rin ako,” dagdag pa niya.

Aminado mang hindi niya nasabihan ang ABS-CBN tungkol sa kanyang career move na ito, legal naman ang naging transaksyon ng aktres sa Viva Film dahil wala siyang pinanghahawakang kontrata with Star Cinema.

“Sa manager ko ako nagpaalam dahil kapag sa Star Cinema ako nagpaalam, I'm sure, hindi nila ako papayagan. To tell you, honestly, I have no contract with ABS-CBN. Wala akong contract sa Star Cinema at lalong wala akong contract sa Star Magic. Simula't mula naman ay wala akong signed contract sa kanila at verbal lahat (ng aming agreement),” giit pa niya.

Lumalabas na hindi siya dapat tawaging inggrata dahil hindi naman biro ang mabakante ang isang artista lalo na’t may napatunayan na rin naman siya bilang isang magaling na aktres.

“At siguro naman enough na yong isang taon na wala akong projects sa kanila. Wala silang binibigay sa akin at wala rin naman silang sinasabi sa akin. I mean, kailangan kong mag-trabaho. One year din (akong naghintay) ‘di ba? I have to move on,” paliwanag niya.

Sa kabila nito ay wala raw siyang tampo sa kanyang home network. “Wala akong sama ng loob sa kanila. It's just that, kailangan ko rin ng work at ginawa ko lang ang tama. Basta't nagpaalam ako sa manager ko. Wala silang binibigay na work para sa akin, naghintay din naman ako.”

Kinunan din namin siya ng reaksyon tungkol sa kinasasangkutang isyu ngayon ng kanyang nakakatandang sister na si Gretchen Barretto.

Ayun sa mga naunang reports, magkaaway ngayon si Gretchen at ang socialite na si Mikaela Bilbao matapos paratangan di umano ng huli ang aktres na nakikikomisyon sa mga government road projects together with Pops Fernandez and Dodie Puno.

“Hindi ko alam 'yan. Wala namang nababanggit sa akin ang kapatid ko about that. The fact na hindi rin naman siguro ako ang involved, ayokong magsalita at hindi pa talaga kami nakakapag-usap ni Ate about that," simpleng tugon ni Barretto.

Nang tanungin namin kung totoong hiwalay na si Puno at Gretchen ay dedma namang ibinaling na lang ni Barretto sa ibang usapan ang aming atensiyon. Yun na!