Pokwang all set for major show

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2010 05:53 PM | Updated as of Oct 15 2010 04:09 AM

MANILA, Philippines - Puspusan na ang paghahanda ni Pokwang para sa nalalapit niyang show as Aliw Theater na "Endangered Species."

Pinangako ni Pokwang ang tatlong gabi nang tawanan, halakhakan, okrayan at asaran.

Makakasama ni Pokwang sa show na ito ang mga kapwa niya komedyante na si Pooh at Chokoleit. Star-studded din ang mga guest sa show na sila Sam Milby, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, at si Regine Velasquez.

Magkakaroon din ng appearance sina Mahal at si Pinoy Big Brother Grand Winner na si Melai Cantiveros.

Samantala, winelcome naman ni Pokwang ang bagong Movie and Television Review and Classification Board chairman na si Grace Poe Llamanzares.

Sinabi ni Pokwang na walang dapat ipagalala si Llamanzares kay Rico J. Puno sa mga green jokes nito. Ani ni Pokwang, siya ang magbabantay dito at alam ni Puno ang mga limitasyon at responsibilidad nila bilang host ng “Pilipinas, Win na Win.”

Magsisimula na sa Biyernes, Oktubre 15, ang "Endangered Species" sa Aliw Theater, at magtatapos sa Linggo, Oktubre 17.