TINGNAN: Engagement ring ni Zsa Zsa Padilla

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2017 12:09 AM | Updated as of Oct 12 2017 04:46 AM

Lalong nagningning ni Zsa Zsa Padilla sa suot na engagement ring mula sa nobyong si Conrad Onglao.

 

A post shared by Mario Dumaual (@mariodumaual) on

Spotted ang three-carat diamond engagement ring ng aktres nang dumalo sa isang okasyon.

Sa kabila naman ng kumikinang na diyamante, sinabi ni Zsa Zsa na hindi magiging magarbo ang kasal nila ni Conrad.

Ikinuwento ni Zsa Zsa na gusto ni Conrad na magpakasal sa Europe pero pabirong hirit ng aktres, dapat na lang silang magtanan.

Dagdag pa niya, sa kanilang edad, sapat na raw na magpakasal na lang sila sa huwes.

Oktubre noong nakaraang taon nang magkabalikan si Zsa Zsa at Conrad matapos daw magkasalubong sa isang mall. 

Unang kinansela ni Zsa Zsa ang engagement sa arkitekto noong Mayo 2016

Samantala, bumisita rin si Zsa Zsa sa pagtatanghal ng Extrapolation, ang banda ng kaniyang anak na si Zia Quizon.

Kasama ni Zia sa okasyon na idinaos sa Poblacion, Makati ang kaniyang nobyong si Robin Nievera.

Ayon kay Zsa Zsa, masaya siya sa buhay pag-ibig ng anak

"Basta kung saan siya masaya ... all I know is I'm happy," ani Zsa Zsa.

Ikinuwento rin ni Zia kung paano nabuo ang kanilang relasyon ni Robin na partner din niya sa paglikha ng mga awit.

Matagal na raw silang magkakilala, lalo na't magkaibigan ang mga magulang nila.

"May bond talaga kami na... we had a bond talaga as professionals, parang naging friends din. Our parents are friends so we really see each other often," ani Zia.

Matagal na raw nilang tipo ang isa't isa pero hindi tama ang pagkakataon noon dahil may kaniya-kaniya pa silang kasintahan dati.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.