Martin, pabor kay Zia para sa anak na si Robin

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2017 12:04 PM

MANILA -- Tatlo at kalahating dekada na sa showbiz si Martin Nievera at isang concert ang alay niya sa kanyang fans na sumuporta sa kanyang karera sa loob ng 35 taon.
 
Napa-throwback pa si Martin sa "highs and lows" ng kanyang career.

"But I think my lows were high and my highs were lows. In other words, 'yung mga gusto ko i-achieve ko yung mga highs muna in-achieve ko but in a very slow pace and in God's time kind of way," ani Martin.

Inamin din ng singer ang pangarap niyang international career noon na hindi natupad.
 
"Palaging hinahanap ko 'yung dreams ko sa Las Vegas, sa Amerika. Hindi nangyari, hindi natupad. But now, they're the ones calling me I think twice, three times a year," ani Martin.

Bilang ama, masaya si Martin sa love life ng panganay na si Robin na nobya ngayon si Zia Quizon, anak nang yumaong si Dolphy at Zsa Zsa Padilla.
 
"I had a chance to spend I think it was a month with Zia and Robin and looking out sa relationship nila, I realized what a great person Zia is, her sense of humor, her thoughtfulness," ani Martin.

Dagdag pa ni Martin, magandang impluwensiya raw ang bunso ni Dolphy at Zsa Zsa sa kanyang panganay.

"She is great for Robin and I think Robin is great for her. Musicality the same gusto mag-compose ng songs na 'di masyado bugbog," ani Martin.

Magaganap ang "[email protected]#NoFilter" concert sa December 8 sa The Theater ng Solaire.