Direk Cathy Garcia-Molina, plano nang magretiro?

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2017 12:12 PM

MANILA -- May plano nang magretiro ang batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina para raw matutukan at mabigyan niya ng oras ang kanyang pamilya.

Balak kasi ni Direk Cathy na manirahan na sa New Zealand.

Pangatlo sa huling pelikulang gagawin ni Direk Cathy ang "Seven Sunday's" ng Star Cinema bago siya magretiro.

Nagpaalam na rin daw siya sa network na hanggang 2019 na lang siya.
 
Bago magretiro, tatapusin muna ni Direk Cathy ang pelikula ng tambalang Robin Padilla at Sharon Cuneta, pati ang isa pang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na pelikula.

Hindi naman raw niya isasara ang posibilidad na magbalik sa pagdi-direct sa hinaharap.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.