Melai at Jolina, hindi napigil ang kilig sa 'live poster' kasama si Aga

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2017 11:53 AM | Updated as of Oct 06 2017 11:57 AM

MANILA - Hindi naitago ng mga host na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ang kilig sa pagbisita ni Aga Muhlach sa "Magandang Buhay."

Nitong Biyernes, hindi kinaya ng dalawang aktres ang makipagtitigan sa aktor, na game sa paggaya ng movie posters ng kanyang mga pelikulang "Basta't Kasama Kita" at "All My Life."

Pag-amin ni Jolina, "ultimate crush" niya si Aga na isa sa mga original matinee idol sa showbiz.

"Super, siya talaga ang ultimate crush ko mula noon, hanggang ngayon," ani Jolina na kilig na kilig sa pangungulit sa kanya ni Aga.

Pag-amin ni Melai, tagahanga siya ng mga proyekto ni Aga lalo na ang pelikula na "All My Life" kung saan kasama niya ang aktres na si Kristine Hermosa.

"Yung favorite ko yung sa kanila ni Angel Locsin. Pero 'yung tumatak sa akin noong kabataan ko ay 'yung Kristine Hermosa and Aga Muhlach [movie na] 'All My Life.' Nagustuhan ko ang kanilang chemistry at nakakakilig talaga sila on screen," ani Melai.

Bumisita si Aga sa "Magandang Buhay" para imbitahan ang mga manonood na suportahan ang pinakabago niyang pelikula na "Seven Sundays" kasama sina Enrique Gil, Dingdong Dantes, Cristine Reyes, at Ronaldo Valdez.

"This is the perfect vehicle para makabalik ako at makagawa ng pelikula that will entertain all audiences. Family kasi iba ang istorya at magkakapatid kami. First time na makakatrabaho ko si Enrique na in his 20s, si Dingdong na in his 30s, and then ako 40s, puwede, laban lang. Shoutout to Enrique and Dingdong, ang babait niyo talaga," ani Aga.

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, ipapalabas ang "Seven Sundays" simula Oktubre 11.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.