John Lloyd Cruz, magpapahinga muna sa showbiz

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2017 07:32 PM | Updated as of Oct 06 2017 07:43 PM

Hindi makakasama ang aktor na si John Lloyd Cruz sa iba pang Kapamilya stars sa gaganaping "Kapamilya Fiesta World" sa Barcelona sa October 15.

Ito'y dahil magpapahinga muna sa mga showbiz commitment ang aktor. 

Nagkasundo ang ABS-CBN at si John Lloyd na mag-indefinite leave of absence muna para ayusin ang ilang personal na bagay. 

Aalis muna ang aktor para magpahinga sa ibang bansa. 

Itutuloy ni John Lloyd ang kanyang iba't ibang proyekto matapos ang kanyang leave of absence.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.