ABS-CBN News

Kin denies Geneva Cruz tried to commit suicide

Posted at | Updated as of 10/06/08 5:21 PM

Pinabulaanan ng isang malapit na kaanak ng mang-aawit na si Geneva Cruz nagtangkang wakasan ng aktres ang kanyang buhay.

Sinabi ni Tyrone Cruz, isang musikero at pinsan ni Geneva na wala siyang alam sa balitang nagtangkang magpakamatay ang singer.

“Wala akong alam d’yan pero wala namang balita sa amin,” pahayag ni Tyrone, kamukhang-kamukha ng mga Cruz kabilang si Ricky Belmonte at Tirso Cruz III.

Kahit na anya hindi sila malapit sa isa’t isa ni Gen ay alam naman niya ang nagaganap sa buong angkan ng Cruz. “Walang ganyan,” pagdidiin ni Tyrone sa kaarawan ng sikat na fashion designer na si Boying Eustaquio sa Tramway sa Timog Avenue Linggo ng gabi.

Sinabi ni Tyrone na matagal nang nababalita ang pagtatangka ni Geneva sa kanyang buhay pero walang nagkakatotoo.

Nasa ibang bansa si Gen kasama ang kanyang kasintahan na si KC Montero, kapatid ng bagong ama na si Troy Montero dahil nagsilang na si Aubrey Miles kamakailan.

Idinagdag ni Tyrone na ang mga Cruz ang mauunang makabalita kung tunay na nagpakamatay ang kanilang pinsan.

Inamin ni Tyrone na mas close siya kay Donna Cruz pero hindi ibig sabihin nito ay wala siyang pakialam kay Geneva.

“Pero kami ni Donna ang mas magkaibigan. We share a lot of things including secrets,” sabi ni Tyrone na kung pipili lang ay maaari siyang magpatuloy ng pag-aartista pero negosyo ang kanyang pinili.

Lumabas sa isang website ng mga balitang-artista kamakailan na nagtangka si Geneva sa kanyang buhay pero ayon sa ilang nakakaalam at tagasubaybay ng mga ulat panshowbiz, madalas at matagal nang nababalitang nagpakamatay ang orihinal na miyembro ng Smokey Mountain.