Jodi Sta. Maria, nagkaroon ng problema sa mata

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2017 12:02 PM | Updated as of Oct 05 2017 12:43 PM

Marami ang nagulat at nag-alala na fans kay Jodi Sta. Maria sa kanyang pagdalo sa nakaraang Star Magic Ball.

Ito ay dahil sa kitang-kita ang mapulang bahagi sa kanyang kaliwang mata.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Jodi kung ano ang pinagmulan nito.
 
"Okay, number one, a vein popped sa eyes ko [but] it's not dangerous. It's not painful. Talagang gory lang ang itsura niya, pero okay siya and it will take siguro another week. Nag-improve na po ang itsura niya na 'yan," ani Jodi.

Dahil dito, kailangang magpahinga ni Jodi at apektado ang isang pelikula na ginagawa niya ngayon.

"Itong week na ito hindi ako nakapag-shoot kasi may sinu-shoot akong film ngayon, di ako nakapag-shooting because of what happened to my eye," ani Jodi.

Inaabangan din ang pagbabalik-teleserye ni Jodi kasama sina Richard Yap at Robin Padilla.

Pigil si Jodi sa pagbibigay detalye tungkol dito.
 
"Naku, 'yan pa ang hindi ko masasagot sa ngayon. Pero ang masasabi ko, they have something to look forward to," ani Jodi.
 
Maraming fans ni Jodi at Richard ang nasabik sa kanilang balik-tambalan lalo na at mas patitingkarin pa ito ni Robin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.