ABS-CBN issues statement on Sagip Kapamilya detractors


By Bernie Franco, ABS-CBN.com | 10/05/2009 2:57 PM

MANILA - Sumagot ang ABS-CBN sa mga mapanirang text message na kumakalat ngayon na sinasabing mabagal umano ang distribusyon nito ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ito nakikipag-coordinate sa gobyerno, at dagdag exposure ang habol ng mga Kapamilya artista sa pagsama nila sa mga programa ng Sagip Kapamilya.

Sa isang official statement, sinagot ng Kapamilya network ang mga paratang nilalaman ng text messages na nanggaling umano sa mga university student leaders na nag-assist sa ABS-CBN relief centers.

Narito ang kabuuan ng nasabing official statement:

“ABS-CBN continues to receive the generous outpouring of help from individuals, groups, and companies. Because of the numerous donations, Sagip Kapamilya is able to deploy relief goods to more than 12 affected areas daily with or without the artists. To date, Sagip Kapamilya has delivered relief to 161,124 families. The cash donations we have received will be earmarked to help in the rehabilitation projects. We profusely thank our kind-hearted donors, volunteers, and artists. Together with them, Sagip Kapamilya will continue to serve the Filipinos affected by typhoon Ondoy.”

Sa “The Buzz” noong Linggo, nagbigay ng kanyang opinyon si Boy Abunda sa POV (Points, Opinions, Violent Reactions) portion bilang tugon sa mga nasabing mapanirang text message.

“Ang sa akin lamang po, what would you rather have, isang entertainment network katulad ng ABS-CBN na sasabihin sa artista, ‘Huwag kayong lumabas ng bahay baka magkasipon kayo hindi kayo makakapag-taping.’ [o] ‘Huwag kayong lumusong sa baha baka magkagalis kayo, mabawasan ang fans n’yo.’ or a network who says hikayatin ang mga artista na tumulong,” sambit ni Abunda.

Dagdag pa ni Abunda, kahit nga ang ibang artista mula sa ibang istasyon ay nagkaisa at tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

“We have become responsible, active citizens [who are] giving the message—lalo na sa mga nasalanta—na meron kang isang kababayan na handang tumulong at nagmamahal.”

as of 10/05/2009 3:02 PM



In defense of ABS- CBN

I beg to disagree kugn sino man ang nagpasimuno ng text messages na ikinakalat tungkol umano sa mabagal na response o distribution ng relief goods. Why? Simply because I am a living witness of the concerted effort given by ABS CBN in reaching out to the victims of Typhoon Ondoy specifically in Marikina.My mother-in-law is a church worker at the Immaculate Conception Parish-lcoated at Concepcion, Marikina City. Last Septmber 25, 2009 the day after the onslaught of Typhoon Ondoy, she came home to inform us that over 2,000 families are housed doon mismo sa Church(kaya walang mass the whole of Sunday). All came from nearby Tumana. We gathered whatever resources we had para mabigyan ang mga evacuees ng pansamantalang pantawid gutom because according to her the Priest was pleading for assistance dahil gutom na gutom ang mga evacuees. When we realized that what we gave was not enough to alleviate their plight namroblema kami. Fortunately nung narestore agad ang electricity sa amin we were able to stay glued to Channel 2 watching the Sagip Kapamilya telethon. tHE PROGRAM GAVE US AN IDEA NA HINDI MAN KAMI MAKATULONG NG LUBUSAN because of lack of resources, I know that we can rely on ABS-CBN to do that for us. I dialed the hotline number until I was able to get a connection. There sinabi ko ang plight ng mga evacuees na nangangailangan ng food at iba pang necessities na nasa ICP Church. True to their word, that night when we again brought a few goods to them, a Church worker from another organization informed my mother-in-law that relief goods from ABS-CBN have just been delivered for distribution. I also remember na nung nagkailaw na, the first telethon and call for assistance came from the stars of ABS-CBN led by Ms. Kris Aquino, MS. Tina Monzon-Palma and company. When we tried to check with the other channels puro regular programs ang pinapalabasnila. I guess that in itself is enough for us to be grateful because ABS initiated it all. I am from Marikina and everytime we go home may nakakasalubiong kaming truck na may dalang relief goods from ABS. Kudos people! Walang nakaattach na malaking streamer para magpakilalang ABS CBN ung truck. May maliit lang na sticker na nakalagay relief goods from ABS CBN.

To you out there who is the promotor of the text messages-ikaw ba may nagaw ka na? Kung talagang isa kayo sa tumulong sa pag pack ng relief goods dapat ikaw ang unang nakakaalam kung gaano kahirap pumasok sa mga nasalanta nung time na yun or kung gaano kahirap manawagan sa mga may trucks or vans na tutulong sa pagdistribute ng relief goods. Dapat alam mo to kasi kami sunday pa lang alam na namin that ABS CBN was calling for assistance in whatever form including yung mga vehicles na gagamitin sa pag deliver ng relief goods. That is if andoon ka talaga? Kaya I believe you do not have the right to pass on a text message na walang solid basis.



ok fine

benta mo na bahay mo Boy, mag uumpisa na kampanya ni Noy.

practice makes perfect, but nobody's perfect... so why practice? duh?!



Ito ba ang bayan ko?

Imbes na tayo ay magtulungan at magdamayan sa gitna ng isang kalamidad, tayo ay nagsisiraan at pumupuna ng mga kamali-an ng bawat isa. Kaya tayo nalulugmok sa kahirapan hanggang ngayon ay dahil sa ganitong uri ng pananaw sa buhay. Sana naman ay matuwid natin itong maling pag-iisip lalo na sa darating na eleksyon.



Kudos to ABS-CBN..

Para sa mga mapanirang txt msgs sa ABS-CBN, kung wala din lang magiging magandang bunga ang inyong komento or txt, sana po ay huwag na ninyong ipabatid ang anumang komentong inyong minaniobra dahil ito po'y imbes na makatulong ay naghahatid lang ng discouragement sa mga taong malinis at maganda ang hangarin. Kung inyo pong napapanood o di kaya'y nababalitaan na ang mga kapamilya ay nagsasakripisyo rin sa kanilang adhikaing makatulong sa anu mang uri,,,ito po'y malaking bagay na dapat nating ipagpasalamat. Huwag naman po sana tayong mag-ingay o kaya'y pumansin ng bagay na minsan ay nakakaligtaang nilang gawin dahil sila po'y tao din lang. Ang mahalaga po sila'y ating nakikita sa kalye at naghahatid ng tulong sa abot po ng kanilang makakaya. Huwag nating lagyan ng kulay ang pagkakamali dahil hindi po iyun ang point sa ngayun. Para sa nagtxt na concern din sa nangyayari, "Huwag mong sukatin ang tulong sa laki ng pagkakamali, bagkus ito'y iyong timbangin sa bigat ng pagkukusa. MABUHAY PO KAYO KAPAMILYA!



MABUHAY KAYO! ABS-CBN

Sa kalagitnaan ng kalamidad o paghihingapis nangyayari sa ating bansa dito mo makikita yun tunay na Pilipino yun tumulong sa mga nabiktima ng kalamidad.

Yan ginagawa ng ABS_CBN ay di mo masusukat sa pagtaguyod at pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Isang kadakilaan para sa mamayan kaya po taos puso ako nagpapasalamat mula management hanggang pinaka maliit na empleyado sa ginawa niyong pagtulong at higit mga artista na sa panahon lamang na ito pinamalas yun kanilang pagtulong.

Ang masama lamang may mga Pilipino na masama ang adhikain imbes na purihin ang ABS CBN ay nag comments pa silang negative. Whoever you are sana di ka na lang mapasama at makarma sa walang kahiyaan mo.

Mabuhay po kayo ! ABS CBN sana more blessing in your network at kapamilya

jaljr725



Entertainment Video


More Videos


Tower 1


Tower 2


Storypage Ad zedo