Zsa Zsa Padilla, nais na lang 'makipagtanan' sa nobyo?

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2017 11:28 AM

 

A post shared by Bang Pineda (@bangpineda) on

MANILA -- Sa edad na 53, buo pa rin ang loob ng beteranang aktres at mangaawit na si Zsa Zsa Padilla na sa "forever" pa rin mauuwi ang relasyon nila ng nobyong si Conrad Onglao.

Si Onglao, isang arkitekto, ang napiling date ni Padilla sa Star Magic Ball 2017 noong Sabado.

Isang malaking ngiti ang sumalubong sa mga photographer nang maglakad sa red carpet ang magnobyo. Suot-suot din ni Padilla ang diamond ring na binigay ni Onglao sa kanya bilang simbolo ng kanilang engagement.

Ayon sa singer-actress, isinoli niya ang singsing kay Onglao noong nag-break sila. Pero ibinalik din daw ito ng arkitekto nang sila'y magkaayos.

"Siyempre, alangan namang isuot ko pa rin, eh, break na kami noon, di ba?" ani Padilla sa isang interview sa Push.

Bagama't positibong mauuwi sa happy ending ang kanilang relasyon, inamin ni Padilla na marami rin siyang pinagsisihinan. Lalo't may mga nasabi siyang hindi niya pala kayang panindigan.

"Noong nagkabalikan kami, I felt a lot of shame, I have to admit. I was ashamed. Kasi first time ko nga, eh," dagdag ni Padilla.

"Kumbaga, kasi, siyempre, parang the people closest to me, lahat ng sinabi ko, kinain ko, parang gano’n, ’di ba? Kasi I was so sure na hindi na ako makikipagbalikan."

Nang tanungin kung matutuloy ang kanilang kasal, sabi ni Padilla'y pipiliin na lang niyang maging wais at ipunin na lang ang pera para sa kanilang retirement.

"Palagi kong sinasabi, magtatanan lang kami," pabirong sabi ni Padilla.

"It’s a reality, hindi ba habang tumatanda ka. Ako, I can really say that, tanggap na tanggap ko na, sa edad ko -- 53 by the way -- so naiisip ko talaga ’yong plano namin, pang-retirement," dagdag pa niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.