'Pass muna': Xander Ford, tinanggihan ang alok ng ex-GF

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2017 06:13 PM

Ang dating iniwan, ngayo'y binabalikan na.

Naging maingay sa social media nang ilantad sa programang "Rated K" noong Linggo ang bagong hitsura ng social media sensation na si Xander Ford.

Ibinahagi ni Xander na matapos ang operasyon, muling nagparamdam ang mga dating niyang niligawan at naging nobya.

"Yong mga dati ko pong naging ex-girlfriend, nagcha-chat po sila tapos sinasabi po nilang meet-up tapos kain lang sa labas," ani Xander sa isang press conference nitong Martes.

Subalit tumanggi si Xander sa mga alok dahil nais muna niyang pagtuunan ng pansin ang trabaho.

"Sinasabi ko sa susunod na lang, pass muna," ani Xander.

Inamin din ni Xander na nais niyang makasama sa proyekto ang kaniyang idolong si Daniel Padilla at ang dati niyang "Home Sweetie Home" co-star na si Miles Ocampo.

Sa ngayon, dalawang endorsements at isang pelikula ang nakapila para sa binata.

Hindi aabot sa kalahating milyon

Libre ang naging operasyon ni Xander subalit sa mga nais sumunod sa kaniyang yapak, dapat umanong isaalang-alang ang gastusin.

"Ang ginawa namin is rhinoplasty and nose lift. We also did a chin augmentation, plus the skincare kasi medyo magaspang ang mukha, kailangang pakinisin," ani Eric Yapjuangco, ang doktor na umasikaso sa operasyon ni Xander.

Pinabulaanan ni Yapjuangco ang mga usap-usapang nasa kalahating milyon ang nagastos sa operasyon.

"Sa amin, hindi naman inabot ng half a million," ani Yapjuangco.

"For the nose it ranges from P100,000. Sa chin, P70,000, tapos ang skincare depende na sa extent," dagdag niya. -- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.