SILIPIN: Ilang eksena sa Star Magic Ball 2017 red carpet

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2017 01:08 AM

Nagniningning ang mga bituin sa red carpet ng Star Magic Ball 2017 nitong Sabado.

Isa-isang rumampa ang Star Magic artists suot ang kanilang itim at puting gowns at suits. 

Classic ang look ng ilan habang ang iba ay mas edgy, revealing, at daring ang pinili.

Kabilang sa mga rumampa sa red carpet ang mga kinakikiligang Kapamilya love teams.

Isa sa mga unang dumating ang 'JoshLia' na una nang pinakilig ang kanilang mga fans dahil sa proposal ni Joshua Garcia kay Julia Barretto. 

Dumating din ang 'La Luna Sangre' stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Rumampa rin sa red carpet sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Hindi rin nagpahuli sa red carpet ang tambalan nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Kinilig din ang mga fans sa pagrampa ng mga tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber, Mccoy de Leon at Elisse Joson, Iñigo Pascual at Maris Racal, Kisses Delavin at Marco Gallo, at marami pang iba. 

Matatamis din ang ngiti ng ilan pang Star Magic artists kasama ang kanilang date. 

May ilan ding rumampa nang solo sa red carpet.

Espesyal ang Star Magic Ball ngayong taon dahil ipinagdiriwang din ang 25th anniversary ng Star Magic.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.