Kontesera ng Negros Occidental, bagong 'Tawag' champ

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 05:34 PM

MANILA -- Si Remy Luntayao mula sa Negros Occidental ang pinakabagong kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime."

Nitong Biyernes, nagawang maagaw ni Remy ang ginintuang mikropono sa two-day defending champion na si Christine Feliciano sa pag-awit niya ng "Queen of the Night."

Nakakuha si Remy ng iskor na 94.8% mula sa mga hurado na sapat para talunin ang iskor ni Christine na 91.4% na umawit naman ng "Minsan Lang Kitang Iibigin."

Mula sa pamilya ng mga mang-aawit si Remy na tumutulong sa kanyang pamilya sa pagsali sa mga singing contest. 

It's Showtime, Setyembre 29, 2017
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.