Angel Locsin, rumesbak sa bashers

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 11:45 AM | Updated as of Sep 29 2017 03:39 PM

Muling rumesbak si Angel Locsin sa kanyang social media bashers. 

Base ito sa tweets ng mga umano'y KathNiel fans na namba-bash sa aktres.

Matatandaang dati na ring na-bash si Angel ng ilang umano'y KathNiel fans nang magbalik siya sa "La Luna Sangre."

Sinabihan nilang sinasapawan daw ni Angel ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa sarili nilang teleserye.

Pinaalala naman ni Angel sa bashers na ang kanilang iniidolong si Kathryn ay isang "anti-cyberbullying advocate."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.