Kim Chiu, pangarap maging public servant

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2017 12:23 PM

MANILA -- Pangarap ng aktres na si Kim Chiu ang maging isang public servant.
 
Sa press conference ng kanyang bagong album nitong Martes, sinabi ni Kim na nais niya ang magbigay tulong sa mga nangangailangan.

"Pangarap ko talaga 'yon, ang magsilbi sa mga tao. Wildest dreams ko 'yon. Tapos isa din gusto kong maging bussinesswoman," ani Kim.
 
"Dati nung 'di pa ako artista, gusto ko maging cashier, taga-bilang ng pera ng ibang tao o teller sa bangko," dagdag ng aktres.
 
Sa ngayon ay interesado pa rin ang aktres na magkaroon ng fashion business.

Maliban sa pagiging parte ng seryeng "Ikaw Lang Ang Iibigin"
ay bibida rin si Kim sa pelikulang 'The Ghost Bride' kasama sina Matteo Guidicelli at Alice Dixson.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.