Kaye Abad, naging 'kupido' ni Diana Zubiri

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2017 11:56 AM | Updated as of Sep 26 2017 02:52 PM

MANILA -- Inamin ni Diana Zubiri na malaking parte ng kanyang buhay pag-ibig ang aktres na si Kaye Abad.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, nagpasalamat si Diana kay Kaye na naging daan para makilala niya ang kanyang asawa na si Andy Smith.

"Thank you at ipinakilala mo ako sa kanya. Kasi before noong magkakasama kami, parang grupo-grupo. Sabi niya sa akin, 'I-push mo na 'yan.' Sabi ko. 'ikaw English, kayo mo ba? Kung kaya mo sige ipu-push ko.' Parang 'yun ang biruan namin dati," ani Diana.

Pag-amin pa ni Diana, si Kaye ang tila kupido nilang mag-asawa.

Matatandaang, ikinasal sina Diana at Andy noong Mayo 2015. Agosto naman noong nakaraang taon ay isinilang ni Diana ang baby girl nila ni Andy.
 
Sa isang taped message, muling ipinarating ni Kaye ang kanyang kasiyahan para sa magandang buhay ngayon nina Andy at Diana.

"Parang kailan lang magkakatambay tayo tapos tinutukso namin kayong dalawa. Ngayon, mag-asawa na kayo at may baby girl pa. Just continue loving each other and make more babies kasi ang ganda-ganda ng lahi niyo. I miss you guys. I hope to see you soon," ani Kaye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.