Kambal nina Zoren at Carmina, may gustong makatrabaho sa showbiz

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2017 07:45 PM

 

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi) on

Bukod sa magandang lahi, mukhang namana rin ng kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ang hilig sa showbiz ng mga magulang. 

Ayon sa magkapatid na Mavy at Cassy Legaspi, hindi nila isinasantabi ang pagpasok sa showbiz.

Katunayan, sinasanay na rin nila ang mga sarili sa industriya.

Ngayon pa lang, itinuturing nang "heartthrob" ng ilang netizen si Mavy.

Sakaling tuluyan nang mag-showbiz, gusto ni Mavy na makatrabaho sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Dating nakatrabaho ng kaniyang inang si Carmina ang "KathNiel" sa primetime teleseryeng "Got to Believe." 

Bukas naman si Cassy na makatrabaho ang iniuugnay sa kaniyang mang-aawit na si Darren Espanto.

Inamin noon ni Darren na crush niya si Cassy.

Kuwento ni Zoren, kaliwa't kanan ang mga proyektong inaalok sa kambal.

Nais naman ni Carmina na maging maingat ang mga anak pagdating sa mga intriga.

Sa ngayon, tinatapos muna ng kambal ang kanilang pag-aaral kasabay ng paminsan-minsang paglabas sa telebisyon.-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.