Drummer ng Binangonan, bagong kampeon ng 'Tawag'

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2017 04:31 PM

MANILA -- Si Rennie Vargas ng Binangonan, Rizal ang pinakabagong kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime."

Nagawang maagaw ng drummer na si Rennie ang ginintuang mikropono sa semi-finalist at six-day defending champion na si Anton Antenorcruz sa pag-awit niya ng "Peksman," na pinasikat ng grupong Siakol.

Binigyan si Rennie ng mga hurado ng iskor na 93.8% na tumalo sa iskor na 93.6% na nakuha naman ni Anton na umawit ng "Angels Brought Me Here."
 
It's Showtime, Setyembre 26, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.