Dating 'X Factor contestant, 6 na panalo na sa 'Tawag'

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2017 04:20 PM

MANILA -- Kahit pasok na siya sa semifinals, muling dinepensahan ni Anton Antenorcruz ang ginintuang mikropono ng "Tawag ng Tanghalan" sa It's Showtime."

Nitong Lunes, nagawang mapanatili ni Anton na mula sa Parañaque City ang pagiging defending champion matapos niyang makuha ang kanyang ika-anim na pagkapanalo.

Binigyan siya ng iskor na 94% ng mga hurado sa pag-awit niya ng "Say That You Love Me" na higit na mas mataas laban sa 90% na ibinigay sa daily challenger na si Evelyn Cinco na umawit naman ng "Saan Ako Nagkamali."

Dating sumabak sa "The X Factor Philippines" si Anton pero nais niyang balikan ang pag-ibig sa musika na pansamantala niyang iniwan dahil sa trabaho.

It's Showtime, September 25, 2017