Piolo at Shaina, magka-date sa Star Magic Ball 2017?

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2017 11:31 AM

MANILA - Nagsalita na ang aktor na si Piolo Pascual kung si Shaina Magdayao ba ang kanyang date sa paparating na Star Magic Ball.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, inamin ni Piolo na wala pang kasiguraduhan kung sila ang magka-date sa ball. 

Pero giit niya, hindi rin malabo na sila pa rin ang magkasama.

"Ang hirap magsalita, hindi ba? Kasi Shine and I have been going to the ball either together, or we end the night together. It's an unspoken agreement between us. It's been how many years eh, okay naman kami. Let's just put it that way," ani Piolo.

"We just don't want to elaborate or ano. Just the same, we just want to enjoy," dagdag ng aktor na paulit-ulit na nauugnay kay Shaina.

Noong nakaraang taon ay solo na naglakad sa red carpet ng Star Magic Ball sina Piolo at Shaina.

Pero gumawa naman ng ingay ang dalawa dahil sa di umano ay pagiging intimate habang sumasayaw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.