Dating 'X Factor' contestant, malapit nang makapasok sa 'Tawag' semis

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2017 03:49 PM

Si Anton Antenorcruz mula sa Parañaque City pa rin ang kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" sa It's Showtime."

Nitong Biyernes, nagawang madepensahan ni Anton ang ginintuang mikropono sa kanyang ikaapat na pagkapanalo.

Isang dating contestant sa "The X Factor Philippines," nakakuha si Anton ng iskor na 96.2% mula sa mga hurado sa pag-awit niya ng "The Prayer." 

Natalo niya ang daily challenger na si Lloyd Sarausos na nakakuha naman ng iskor na 91.2% sa pag-awit nito ng "Ngayong Nandito Ka."

It's Showtime, September 22, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.