Dating 'X Factor' contestant, 3 panalo na sa 'Tawag'

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2017 04:18 PM

MANILA -- Muling nadepensahan ni Anton Antenorcruz ang ginintuang mikropono ng "Tawag ng Tanghalan" sa It's Showtime."

Nitong Huwebes, nagawang mapanatili ni Anton na mula sa Parañaque City ang pagiging defending champion matapos niyang makuha ang kanyang ikatlong pagkapanalo.

Dati nang sumabak si Anton sa "The X Factor Philippines." Binigyan siya ng iskor na 93.8% ng mga hurado sa pag-awit niya ng "The Last Time."

Natalo niya ang daily challenger na si Angel dela Cruz na nakakuha naman ng iskor na 91.8% sa pag-awit nito ng "Bridge Over Troubled Water."

It's Showtime, September 21, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.