Mccoy, patuloy lang ang panunuyo kay Elisse

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2017 11:55 AM

MANILA -- Patuloy ang panunuyo ni Mccoy de Leon sa ka-love team nito na si Elisse Joson.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ibinahagi ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon.

"Sumusuyo lang ako," ani Mccoy. "Dapat po ganoon at saka lagi kaming magkasama."

Nang matanong kung hanggang saan niya kayang ligawan ang aktres, sagot ni Mccoy: "Hanggang sa makakaya, hanggang sa magkasama kami, hanggang nagkakaintindihan kami."

Para kay Elisse, nilinaw niya na masaya lang sila ni Mccoy na laging magkasama.

"Ganoon pa din, laging masaya kapag magkasama, laging hinahanap kapag hindi kasama," ani Elisse.

Maliban sa pagiging parte ng bagong seryeng "The Good Son," ibinahagi din ng dalawa ang pagkakaroon ng libro na "Vlogger Girl Problems” sa ilalim ng ABS-CBN Publishing.

"Manga-serye ang tawag nila para may touch of Pinoy. Very involved kami sa story at characters," ani Ellise.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.