Toni, excited na sa 1st birthday party ni baby Seve

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2017 04:09 PM

MANILA -- Hindi naitago ng aktres na si Toni Gonzaga ang tuwa sa papalapit na unang kaarawan ng anak nila ni Paul Soriano na si Severiano Elliott o baby Seve.

Sa "Magandang Buhay," ibinahagi ni Toni na "golf" ang tema ng birthday party ni baby Seve na ipinanganak noong Setyembre 30, 2016.

Paliwanag ni Toni, kaya golf ang napiling tema ay dahil hango ang pangalan ng anak nila sa sikat na golfer na si Severiano Ballesteros.

"Noong bata pa lang si Paul, naririnig niya 'yun doon sa lolo niya, kay Nestor de Villa. 'Yun ang favorite golfer ni Nestor de Villa, si Severiano Ballesteros. So na-recall niya ng na-recall. Nagustuhan niya yung pangalang Severiano, kaya naging Severiano yung name," ani Toni.

"Dalawa lang 'yung pagpipilian ko. Golf, 'yung Severiano. 'Yung Elliott kinuha sa (movie na) 'E.T.' Alangan namang 'E.T.' 'yung theme? Matatakot ang mga bata, so golf na lang," dagdag na paliwanag ni Toni.

Maliban kay Toni, aminado ang kapatid nito na si Alex na excited na rin siya sa kaarawa ni baby Seve.

"Ako nagsabi sa kanila kung sino ang magpe-perform," ani Alex.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.