Singing sekyu ng Leyte, bagong 'Tawag' champ

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2017 04:59 PM

MANILA -- Si Renato Llemit mula Leyte ang bagong kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime. 

Nitong Lunes, nagawang maagaw ni Renato ang ginintuang mikropono laban sa defending champion na si John Andrew Señora sa pag-awit niya ng "Be My Lady" na pinasikat ni Martin Nievera.

Binigyan si Renato ng mga hurado ng iskor na 92.6%, kontra sa 91.4% na nakuha naman ni John Andrew sa pag-awit niya ng "Lips of an Angel."

Isang security guard si Renato at pangarap niya na makilala bilang mang-aawit at artista.

Ani Renato, maliban sa pagiging singer, nais din niyang makilala bilang isang komedyante. 

It's Showtime, Setyembre 18, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.