Charo Santos, excited 'maging OFW'

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 09:05 PM

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang papel na gagampanan ni Charo Santos sa reunion movie nila ng direktor na si Lav Diaz.

Pinamagatang "Henrico's Farm" o "Saka ni Henrico" ang bagong pelikula nina Charo at Direk Lav.

Kuwento ito ng isang Pinay na uuwi sa bansa para sa libing ng kaniyang anak.

Hango umano ang pelikula sa kuwento ng nakilalang OFW ni Direk Lav.

Kinunan ang ilang eksena sa mga bansang Germany at Singapore.

Kuwento ni Charo, metikuloso at mabusisi si Direk Lav.

Matatandaang unang nakatrabaho ni Charo si Lav sa pelikulang "Ang Babaeng Humayo," na umani ng parangal noong nakaraang taon sa Venice Film Festival.

Seryoso at mabigat man ang tema ng bagong pelikula, hindi naman nakakalimutan ni Charo na makiuso at maka-relate sa millennials gaya ng pag-post sa social media.

Paalala naman ni Charo sa netizens, huwag pa ring kalimutang maglaan ng "quality time" kasama ang mga mahal sa buhay. -- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.