Mga awitin ng Smokey Mountain, muling mapapakinggan

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 11:41 AM

Muling mapapakinggan ang magagandang awitin ng kilalang grupo na Smokey Mountain.
 
Pumirma ng kontrata ang kompositor na si Ryan Cayabyab at Smokey Mountain member na si James Coronel sa Star Music para muling maiparinig ang kanilang mga kanta sa bagong henerasyon.
 
Ayon kay James, sana raw ay suportahan muli ng publiko ang kanilang mga awitin, at unawain ang mensahe ng kanilang mga kanta lalo't napapanahon ang mga ito sa mga nangyayari sa ating bayan.
 
Ilan sa mga kantang pinasikat ng Smokey Mountin ay ang "Paraiso," "Can This Be Love" at "Kailan."

Umagang Kay Ganda, Setyembre 12, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.