Kisses nilinaw na walang kompetisyon sa pagitan nila ni Maymay

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2017 01:29 PM

 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

MANILA – Pinalakpakan ang mga naging sagot nina Kisses Delavin at Marco Gallo sa media conference para sa pelikulang "Loving in Tandem."

Unti-unti na raw na nasasanay si Kisses lalo na pagdating sa online bashing.

“Opening your heart to other people is like letting them hurt you. Pero ngayon na-realize ko na in showbiz, there are a lot of people here pero what will make me stay is kung real ako,” aniya.

Si Marco naman, ikinuwento ang effort kung paano nakuha ang tiwala ng mga magulang ng katambal na si Kisses.

“I really worked hard to earn the trust ng magulang niya. Sobra ako nagpakumbaba. I gave everything. Edward knows, Maymay knows. Lahat ng makakayanan ko, binigay ko para makuha ko ang tiwala ng magulang ni Kisses,” aniya.

Ano naman kaya ang kanyang mensahe sa mga magulang ni Kisses?

“Tita, gusto ko po sabihin na sa ngayon po, walang malisya po, dini-defend ko siya kasi mahal ko siya as kaibigan ko po,” sabi ni Marco.

Samantala, nilinaw naman ni Kisses ang isyu ng kompetisyon sa pagitan nila ni Maymay Entrata.

“That’s the last thing I would want to do -- to compete with a friend. Kasi if I’m competing with a friend or somebody, parang nawala na ang purpose mo sa life,” aniya.

Sa Martes, September 12, magaganap ang premiere night ng "Loving in Tandem" na isa sa major event na pinakahihintay ng kanilang followers

Ipapalabas ito sa mga sinehan sa buong bansa simula sa September 13.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.