Empoy, nagkuwento tungkol sa kaniyang 'one that got away'

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2017 05:22 PM | Updated as of Sep 12 2017 03:06 AM

Abala ngayon si Empoy Marquez sa set ng bago niyang pelikulang "Ang Kuwento ni Money."

Bilang bagong box-office star na minsan pang tinaguriang "Empoy is the new pogi," kaliwa't kanan ngayon ang projects ni Empoy.

Pero kahit malaki na ang kinikita, wala pa rin daw nagbabago sa kaniyang lifestyle.

"Ipon po muna, at sa ngayon wala pa po talaga ako nagagawa sa mga [kinita]. Kung anong mayroon ako ngayon, impok muna tapos family, tapos God, tapos family."

Sa personal na buhay ni Empoy, first time niya nagbukas ng damdamin na mayroon pala siyang "TOTGA" o "the one that got away."

Ito ang maaaring dahilan daw kung bakit single pa rin siya hanggang ngayon.

"Wala na talaga kasi nasa Singapore na 'yong dati ko [girlfriend]. Work work muna talaga ngayon at siguro darating din 'yong tamang time para diyan," kuwento ni Empoy.

"May communication kami hanggang ngayon, sakto naman at may family na siya and this Tuesday pupunta ako roon [Singapore] kasi may work ako... Friends naman po kami sa Friendster."

Nakatakdang pumirma ng movie contract si Empoy sa ilalim ng Star Cinema at magsisimula ng isang bagong teleserye sa Dreamscape Productions ng ABS-CBN na mas magpapatingkad pa ng kaniyang showbiz career.

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.