Pamangkin ni Kathryn, ginaya ang kaniyang tita 'Malia'

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2017 06:02 PM

Proud na proud si Kathryn Bernardo sa kaniyang pamangkin nang gayahin ni Lhexine Chryzell ang itsura ng kaniyang tita sa seryeng "La Luna Sangre."

 

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on

 

Ikinatuwa rin ito ng mga fans ni Bernardo at naaliw sa pose ng cute na bata.

Matatandaang inilantad sa publiko ni Bernardo ang kaniyang bagong hairdo para sa serye noong Hulyo.

Ginaganapan ni Bernardo ang papel ng bidang si Malia na nagdesisyong gawing maikli ang buhok upang magkunwaring lalaki at mabuhay sa siyudad kung saan nangingibabaw ang kalalakihan. 

Mapapanood ang "La Luna Sangre" Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng "Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.