Bamboo, magbibigay saya sa mga Pinoy sa Amerika

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2017 12:30 PM | Updated as of Sep 07 2017 01:30 PM

MANILA -- Umalis na kahapon si Bamboo papuntang Amerika para sa US leg ng kanyang "The Oven World Tour" na magkakaroon ng anim na shows sa iba't ibang lugar.

Excited ang "The Voice of the Phillipines" coach na muling mag-perform ng live sa ibang bansa.

"I've been waiting for this. Matagal namin plano ito eh, ilang rehearsals na rin kami," ani Bamboo.

Makahulugan ang tour na ito ni Bamboo dahil tuloy pa rin ang kanyang performance sa Texas na katatapos lang dumaan sa isang matinding kalamidad.

"It's gonna be tough kasi 'yung venue namin ginawang evacuation center. By next week or in two weeks, okay na siya. It's good to sort of cheer up our community there as well," ani Bamboo.

Kasama ni Bamboo sa tour sina Morissette Amon at Elha Nympha na naging bahagi ng "The Voice of the Philippines."

Isang buwan mawawala si Bamboo para sa tour na ito pero hindi siya mami-miss ng Pinoy fans dahil habang wala siya sa Pilipinas ay naka-schedule naman i-release ang isang Christmas song na sorpresa muna ayon sa singer.
 
"I know it's the 'ber' months so by the time I get back, it will be playing. Enjoy the song and the surprises we have left. Every year kasi may ginagawa akong Christmas show talaga, we do it for love lang talaga. There's this Christmas song na we've been doing for five years na, so sabi namin it's time na ni-record namin ito. Gumawa kami ng sarili naming version nito," ani Bamboo.