Mag-asawang Dingdong at Jessa, sanib-pwersa sa isang concert

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2017 12:16 PM

 

A post shared by Dingdong Avanzado (@iamdingdong_a) on

MANILA -- Magsasama sa isang concert ang mag-asawa na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza para ipagdiwang ang kanilang anibersaryo sa industriya ng musika.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, ibinahagi ni Dingdong at Jessa na ang kanilang concert na pinamagatang "20/30" ay magaganap sa Disyembre 8 sa Resorts World Manila.

"Jessa is celebrating her 20th year and I'm celebrating my 30th year. So, pinagsama na lang namin," ani Dingdong.

Idinagdag ni Dingdong at Jessa na maglalabas din sila ng bagong album sa ilalim naman ng Star Music.

"Some of our hits, best hits, it's a legacy album. So abangan niyo po at panoorin niyo po ang concert namin," ani Dingdong.

Nito lamang Agosto ay pumirma ng kontrata sa Star Music ang mag-asawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.