PANOORIN: Mala-fairytale na first dance ng mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2017 02:08 PM | Updated as of Sep 03 2017 07:38 PM

Enggrande at star-studded ang kasalang Vicki Belo at Hayden Kho sa Paris, France.

Unang nagpalitan ng "I Do" ang celebrity doctors sa American Church sa Paris.

 

A post shared by Belo Medical Group (@belobeauty) on

Lalo pang nagmistulang fairy tale ang pag-iisang dibdib nila dahil sa idinaos na wedding reception sa "Palais Garnier", isang makasaysayang opera house na itinayo noong 19th century. Mayroon itong kapasidad para sa halos 2,000 manonood.

Photos from @belobeauty on Instagram

Tulad ng nakagawian, nagkaroon ng first dance ang newlyweds.

Tila eksena sa isang fairytale movie ang unang sayaw nina Mr. and Mrs. Kho sa grand staircase ng opera house.

 

A post shared by Belo Medical Group (@belobeauty) on

Sinalubong din ng masigabong palakpakan at musika mula sa violin ang mag-asawa sa kanilang pagpasok sa reception.

 

A post shared by Belo Medical Group (@belobeauty) on

Sa isa pang instagram video, ipinasilip ng anak ni Vicki na si Cristalle kung gaano kaganda ang wedding reception ng kaniyang ina.

 

A post shared by Belo Medical Group (@belobeauty) on

Maya-maya, mismong ang newlyweds pa ang nanguna sa pagsasayaw na sinundan ng kanilang wedding guests.

 

A post shared by Belo Medical Group (@belobeauty) on

 

A post shared by Belo Medical Group (@belobeauty) on

Samantala, bukod naman sa bigating showbiz personalities na dumalo sa wedding, inabangan din ng ilang overseas Filipino workers ang kasalan para masulyapan ang kanilang mga idolong artista.

Kuwento pa ng ibang OFW, nagulat sila nang malamang sa opera house gagawin ang reception dahil bihira umano ang may kakayahang rentahan iyon.

Dagdag-kita rin para sa ilang Pinoy kapag may ganitong event sa Paris.

Kuwento ng Pinoy driver na si Toto Sarabia na isa sa mga nakuha para magmaneho sa service vehicles sa kasalan, natuwa siyang makita nang malapitan ang mga artistang hindi niya raw basta-basta makasasalamuha kahit nasa Pilipinas siya.

Nitong Hunyo lang, ikinasal din sina Vicki at Hayden sa isang civil ceremony sa Makati.

-- May ulat ni Maan Alcantara, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.