Gelli, pinapurihan si Daniel, Maymay

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2017 12:05 PM | Updated as of Aug 29 2017 12:06 PM

MANILA -- Gabi-gabing napapanood si Gelli de Belen sa top-rating teleseryeng "La Luna Sangre" bilang Betty Toralba.

Dito naikuwento ni Gelli ang experience na makatrabaho si Maymay Entrata na madalas niyang kasama sa eksena.

Malayo daw ang mararating ni Maymay dahil sa interest nito sa kanyang trabaho.
 
"She is such a darling, napakalambing na bata. I love her. Ang bilis na pumik up, ang bilis niya makaintindi. Kapag 'di siya makaintindi ng something, magtatanong siya. She's always willing to learn," ani Gelli.

Nasa dugo naman ang pag-aartista para kay Daniel Padilla na pamangkin niya sa serye. Magaan katrabaho si DJ, ayon kay Gelli.
 
"Kasi tiyahin niya ako sa palabas, naging importante sa akin to have a relationship or a connection. It was so easy for me to connect with him because he's so open," ani Gelli.

Bilang isang ina ng kanilang mga anak ni Ariel Rivera na sina Joaquin at Julio na nag-aaral na sa Canada, proud si Gelli na masunurin ang mga anak at busog sa pangaral, lalo na ngayong nagbibinata na ang mga ito.
 
"To respect women and siguro kung paano ako tinatrato ng tatay nila, ganoon din dapat sila sa magiging girlfriends nila," ani Gelli.

Sa ngayon mas pinipili ni Gelli ang manirahan sa Pilipinas kaysa sa mag-migrate sa Canada na una nilang plano bilang pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.